Pag-atake inako ng NPA

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Inako ng mga ­rebeldeng New People’s Army ng Va­lentine Palamine Regional Operations Command sa Far South Mindanao ang isinagawang pagsalakay sa Cafgu detachment sa bayan ng M’lang, North Cotabato.

Sa press statement, sinabi ni Ka Dencio Madrigal, spokesman ng gru­ po, na aabot sa 35 mala­lakas na kalibre ng baril at mga gamit ng militar ang ka­nilang natangay sa detachment sa Luz Village, M’lang.

Umabot sa 14-minuto ang pag-atake laban sa military outpost na ilang kilo­metro lang ang layo mula sa headquarters ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army. Malu Manar

Show comments