'Di ga-graduate nagbigti!

CAVITE , Philippines  — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang college student ma­karaang magbigti ito nang malamang hindi siya ma­kakasama sa gra­duation, kamakalawa ng ma­daling-araw sa Brgy. San Jose, Noveleta ng lala­wigang ito.

Sa ulat na natanggap ni Provincial Director Sr. Supt. Primitivo Tabujara nakilala ang nasawi na si Mark Ro­nald Bagtas, 21, estu­dyante ng TUP at residente ng na­sabing lugar.

Batay sa imbestigas­ yon ni SPO4 Meynard Ge­nuino, may hawak ng ka­so dakong alas 4:35 ng ma­daling araw ng makita ng ate ng biktma na naka­bigti ng nylon cord   sa ki­same ng kanilang dirty kitchen si Mark.

Agad itong humingi ng saklolo sa kanyang mga ka­­sama ang bahay at ma­bi­lis na pinutol ang nylon cord at isinugod sa Saint Martin Hospital ang biktima gayunman idinek­lara itong patay.

Nabatid mula kay SPO4 Genuino, nalaman umano ni Mark na hindi ito maka­ka­sama sa graduation nga­yon at dahil sa labis na pagkabigo, kahihiyan at hindi masabi sa kanyang pamilya ang problema ka­ya nagpasya itong mag­pakamatay.

Napag-alaman pa na li­mang taon nang kinukuha ng biktima ang kursong BS Marine Transportation sa nasabing eskuwelahan su­balit hindi pa rin ito naka­pasa at isang subject uma­no ang ibinagsak nito.

Show comments