^

Probinsiya

Restawran nilooban, waitress binaboy

-

MANILA, Philippines - Nilooban ng mga pinag­hi­­hi­nalaang miyembro ng Ak­yat Bahay/Gapos gang ang isang restaurant na na­ta­ngayan ng humigit-kumu­lang sa ka­lahating mil­yong piso ha­bang isa sa mga waitress nito ang binastos ng isa sa mga suspek sa San Fer­nan­do City, Pam­pan­ga, ayon sa ulat kahapon.

Arestado naman sa fol­low­­-up operations ang tat­long suspek na sina Arnel Samson alyas Baba; Benito Dizon at Tantan Acabal Ka­dusale; pawang residente ng 11th Avenue, Barangay Am­sic, Angeles City ng na­tu­rang lala­wigan.

Batay sa report ng Pam­panga Provincial Police Office, dakong alas-2 ng ma­da­ling araw nang pasukin ng dala­wang armadong kalala­ki­han ang Chakula Grill and Res­taurant sa kahabaan ng Mac­Arthur Highway sa lung­sod.

Agad nilang iginapos ang tatlong biktima na kinabibila­ngan nina Elbert Ellaga, Jennifer Sapigao at ang mino­lesti­yang itinago sa panga­lang Annabel.

Nilimas ng mga suspek ang cash na kinita ng restaurant, cellular phone, mga ala­­has, lights at sounds equipment ng es­tabli­sye­mento kung saan habang nakaga­pos ay pinaghaha­wakan sa maseselang ba­hagi ng kata­wan si Annabel na dinaliri pa umano ni Samson.

Iniulat naman ni Rogie Quito alyas Tisoy, 40-anyos, may-ari ng Tisoy Sounds and Video na matatagpuan sa Stall No. 4, Dau Plaza, Dau, Mabalacat, Pampanga na ibinenta ng isang alyas Baba ang mga lights and sounds equipment sa kaniya na umaabot sa P300,000.00 ang halaga.

Nang matanggap ang impormasyon ay agad na nagsagawa ng operasyon ang Pampanga Criminal Investigation and Detection Team sa pamumuno ni Chief Inspector Randy Sil­vio na nagresulta sa pag­kakadakip sa mga suspek sa Ba­rangay Amsic.

Positibo namang kinilala ni Annabel na si Samson ang nangmolestiya sa kaniya habang nakagapos. Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang cal. 38 revolver na puno ng mga bala.

Sa tala ng mga awto­ridad, ang Dizon Akyat Ba­hay/Gapos gang ay nag­papang­gap na mangongo­lek­ta ng mga basura saka igagapos ang mga target ng mga itong biktimahin.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong robbery with intimidation ha­bang karagdagan namang kasong rape laban kay Samson. Joy Cantos

vuukle comment

ANGELES CITY

ANNABEL

ARTHUR HIGHWAY

BARANGAY AM

BENITO DIZON

CHAKULA GRILL AND RES

CHIEF INSPECTOR RANDY SIL

DAU PLAZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with