2 plantasyon ng 'damo' ni-raid

KIDAPAWAN CITY, Philippines  – Umaabot sa 1,500 fully-grown marijuana plants ang nasabat ng mga awtoridad makaraang salakayin ang dalawang plantasyon sa mga Sitio Bong-Bong at Aliong sa Barangay Kimlawis sa bayan ng Kiblawan, Davao del Sur kamakalawa.

Ka­bilang sa mga sumalakay na operatiba ay pinangunahan nina P/Senior Insp. Ferdinand Casiano, hepe ng pulisya sa Kiblawan; Director II Roybel Sanchez ng PDEA-11; SPO4 Ricardo Yamomo ng Davao del Sur PNP; at si Maj Rembert Baylosis ng 27th Infanry Bat­talion. Malu Manar

Show comments