P1.2 milyong ari-arian naabo

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P1.2 milyong halaga ang ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang 13 bahay kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Zamor Street sa Brgy. VI sa Roxas City, Capiz. Sa police report, nag­simula ang apoy sa boarding house na sinasabing pag-aari ni Dalita Almalbis matapos ang brownout.Wala namang naiulat na nasawi o kaya nasugatan kung saan sinasabing nagsimula ang apoy mula sa natumbang kandila bunga ng brownout. Joy Cantos

Show comments