2 bata utas sa bumaliktad na bus

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Dalawang bata ang iniulat na nasawi habang aabot naman sa 40-katao ang nasugatan makaraang bumaliktad at sumalpok sa punungkahoy ang pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa Barangay Cu­madaycaday sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur noong Martes ng ma­daling-araw.

Idineklarang patay sa Maria Eleazar Memorial Hospital sa Tagkawayan, Quezon ay sina Cheremi Ancheley, 1; at Guillermo Cabuguin, 3.

Kabilang naman sa mga nasugatan ay sina Rufo Corpin, 34, drayber ng bus; Al­meria Biliran, 3; Jomarie Paderog, 5; Apo­linario Herbacio, 69; Re­medios Cos­­tigo, 69; Che­ralyn Lac­son, 39; Kim Joseph Pla­cendo, 21; Che­radee Lon­ga, 21.

Sa ulat ni PO4 Romulo Fabiano ng Camarines Sur Provincial Police Office, naganap ang trahedya sa kahabaan ng highway dakong ala-1:45 ng mada­ling-araw.

Bumabagtas sa lugar ang aircon bus na PP Line na may plakang TYR-966 na minamaneho ni Rufo mula sa Biliran patungong Metro Manila nang maga­nap ang sakuna.

Napag-alamang mas­yadong madulas ang kal­ sada kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kung saan buma­liktad at sumalpok sa punungkahoy.

Show comments