Kandidatong konsehal itinumba

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pinaniniwalaang may kaugnayan sa May 2010 elek­­syon ang naganap na pa­mamaslang sa isang kandidato sa pagka-muni­ci­pal councilor sa bisini­dad ng Barangay Central sa bayan ng Casiguran, Sor­so­gon kamakalawa ng gabi.

Lima hanggang pitong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni ex- SPO1 Julio “Bimbo” Taroy Esquivas, 46, ng Market Site, Pobla­cion at isa sa mga kan­didato sa pagka-konsehal sa ilalim ng Nationalista Party at dating miyembro ng 509th Police Provincial Mobile Group.

Bandang alas-6:20 ng Martes nang ratratin ang biktima na kaharap pa ang kanyang misis sa nabang­git na barangay.

May teorya rin ang pu­lisya na mga re­belde ang nasa likod ng paglikida kay Esquivas.

Sa kabila nito, nanini­wala ang kampo ng biktima na pulitika ang isa sa da­hilan ng pagpaslang sa re­tiradong pulis. Ed Casulla

Show comments