Napahiya sa pagnanakaw nagbigti

BULACAN, Philippines — Pinanini­wa­laang napahiya sa gina­wang pagnanakaw kaya nag­pas­yang magbigti sa loob ng selda ang isang kawani ng STL kamakalawa ng gabi sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Guiguinto, Bulacan. Kini­lala ni P/Supt. Miguel Atienza, ang nag-suicide na si Ricky Gomez ng Masagana Homes, Brgy. Sta.Rita. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na inireklamo si Gomez ng kanyang kasamang si Erwin Dela Cruz kaugnay sa nawa­walang celpon kung saan magkasama ang dalawa sa inuupahang apartment. Inim­bestigahan naman ng pulisya si Gomez kaugnay sa kasong kinakaharap at pansa­man­talang ikinulong.

Subalit ilang minuto ang nakalipas ay natagpuan na­man nakabitin si Gomez sa pa­likuran ng selda. Boy Cruz

Show comments