3 holdaper arestado

BULACAN, Philippines – Tatlong kalalakihan na sinasabing sangkot sa holdapan ang inaresto ng pulisya kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng MacArthur Highway sa BarangayTikay sa Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Maddy Chavez, Michael Pomiente at isang 17-anyos na lalaki na pawang nakatira sa Brgy. Manaol, Nag­carlan, Laguna. Naaresto ang mga suspek makaraang holdapin ang mga biktimang sina Fernando Garcia, at Mark Roan Javier na kapwa nakatira sa Brgy.Sto. Rosario sa Malolos City. Hindi na narekober ng pulisya ang mga personal na gamit at pera ng dalawang biktima na sinasabing naipasa sa dalawang iba pang kasamahang holdaper. Boy Cruz

Show comments