^

Probinsiya

2 bomber timbog

-

MANILA, Philippines - Dalawang umano’y notoryus bomb expert ng Moro Islamic Liberation Front ang naaresto ng pulisya sa Cotabato City, kamakalawa ng hapon.

Ang mga suspek na sina Badrudin Dalungan at Benjamin Esmail Satol, alyas Tonggak at kapwa bomb expert ng Special Operations Group ng MILF ay nasakote sa check point habang sakay ng pampasaherong jeep dakong alas-4 ng hapon sa National Hiway, Poblacion I, ng nasabing lungsod.

Responsable umano ang mga suspek sa madugong pagpapasabog sa Con­cep­cion Cathedral sa Cotabato City noong Agosto at kumitil ng anim na katao at mahigit 50 ang sugatan.

Kasama din umano si Dalungan sa pambobomba sa Kidapawan City noong 2007 kung saan lima ang nasawi. Nakuha naman mula kay Satol ang isang live fragmentation grenade at Nokia mobile phone na may kasamang tatlong simpacks. Si Satol ay kasama din umano sa pabobomba sa Central Mindanao para mailigaw ang military na tumutugis sa wanted na si MILF Commander Ameril Umbra Kato, may patong sa ulong P10 M.

Sa ngayon ay isinasailalim sa tactical interrogation ng Task Force Tugis ang dalawang nasakoteng MILF bomber. (Joy Cantos)

vuukle comment

AMERIL UMBRA KATO

BADRUDIN DALUNGAN

BENJAMIN ESMAIL SATOL

CENTRAL MINDANAO

COTABATO CITY

JOY CANTOS

KIDAPAWAN CITY

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NATIONAL HIWAY

POBLACION I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with