^

Probinsiya

Tinyente ng pulis nasalisihan

-

NUEVA VIZCAYA,Philippines – Maging ang isang tinyente ng pulisya ay hindi sinanto ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan makaraang looban ang kanyang tahanan sa Santiago City-Isabela, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. 

Ayon kay P/Supt. Reynaldo Sinaon, hepe ng Santiago City PNP, itinaon ng mga kawatan na walang-tao sa tahanan ni P/Insp. Joseph Reclamado sa Barangay Divisoria kung saan winasak ang pintuan at window jalousie sa likurang bahagi ng bahay at nakapasok sa master’s bedroom.

Natangay ang P50,000, mga lahas at ang 9mm Beretta pistol at mga bala na pag-aari ng tinyente. May mga nakuhang fingerprints ang pulisya at kasalukuyang bineberipika upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga kawatan. Victor Martin

vuukle comment

AYON

BARANGAY DIVISORIA

NATANGAY

RECLAMADO

REYNALDO SINAON

SANTIAGO CITY

SANTIAGO CITY-ISABELA

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with