Shootout: 2 holdaper tumba

RIZAL , Philippines  –  Dalawang ka­lalakihan na sinasabing notoryus na miyembro ng holdap gang ang iniulat na napatay makaraang ma­kipagbarilan sa pulisya sa bayan ang Rodriguez, Ri­zal kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina alyas Kulit at Teodoro “Teddy” Taba­yag.

Sa police report, lumili­taw na inireklamo ng Bum­bay na si VJ Kumar ang ginawang panghoholdap at pagtangay ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa kanyang motorsiklo sa, Brgy. San Jose, noong Biyernes ng Setyembre 11.

Sa follow-up operation ng pulisya, nadakip naman ang mga suspek na sina Samuel Ilago at Jeffrey Casuyom na siyang nag­kanulo kina Tabayag, alyas Kulit at isa pang hindi pi­nangalanang sus­ pek. 

Isiniwalat din nina Ilago at Casuyom ang nakaplano nilang panghoholdap sa ilang biktima kaya nagsa­gawa ng operasyon ang pulisya.

Ayon sa ulat, agad na­mang namataan ng pulisya ang dalawa kung saan ti­ nangkang lapitan upang sitahin subalit naunang nagpaputok ng baril hang­gang sa maganap ang shoot­out at bumulagta ang dalawa. (Danilo Garcia)

Show comments