Magbiyanan niratrat sa trike

NUEVA ECIJA,Philippines – Pinaniniwalaang may matinding nakaalitan ang isang Bumbay kaya pinagbabaril hang­gang sa mapatay kung saan nasugatan ang kanyang biyanan sa panibagong ka­ra­hasang naganap kama­ka­lawa sa Barangay St. Joseph, sa bayan ng Laur, Nueva Ecija.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Karamvir “Jimmy” Singh, 26, ng Mabini Street, Brgy IV, Laur, Nueva Ecija, habang sugatan naman ang biyanang si Eugenio Aves, 47.

Base sa police report, lulan ng traysi­kel ang magbiyanan at patungong Palayan City nang ratratin ng motorcycle-riding assassin. Hindi namang tinangay ang mga cellular phone ng mga biktima partikular na ang malaking halaga na dala nila. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments