Mag-asawa nilagare ng senglot

CAMARINES NORTE, Philippines - Pinaniniwalaang sinapian ng masamang ispiritu ang isang mangingisda dahil sa sobrang pagkalango sa alak kaya nagawang laga­riin sa mukha, ulo at braso ang mag asawa kamaka­lawa sa Purok 2, Brgy Man­guisoc sa bayan ng Mer­cedes, Camarines Norte.

Nailigtas naman sa bi­ngit ng kamatayan sa Ca­marines Norte Provincial Hospital ang mag-asawang sina Salvador Trinidad 44; at Marie Trinidad, 40.

Samantala, pormal na­mang kakasuhan habang nakakulong ang suspek na si Gerardo Penaflor, 39.

Nabatid na magkasa­mang nag-iinuman ng alak ang suspek at si Salvador nang humantong sa ma­initang pagtatalo kaugnay sa pangingisda.

Nagulat na lamang ang mag-asawa nang biglang kunin ng suspek ang laga­reng kalawangin at isina­gawa ang krimen kay Salvador habang ang asawa na umaawat naman ay hindi rin pinatawad.

Mabilis na nahila pala­bas ng bahay ng asawang babae ang kanyang mister laban sa naghuhuramenta­dong suspek bitbit ang kalawanging lagare. 

Agad na sumaklolo ang mga barangay tanod at dito naaresto ang suspek. (Francis Elevado)

Show comments