2 tiklo sa 'hot meat'

BULACAN, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang sibilyan matapos na makumpiskahan ng 100 kilong hot meat kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Brgy. Wakas, Bocaue, Bulacan.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Gimeno Villaflor Jr ng Brgy. Pritil, Guiguinto, Bulacan at Marlyn Trinidad ng Brgy. Tuktu­kan.

Base sa police report, patungong Divisoria ang dala­wa na lulan ng owner-type jeep (CLP 214) nang harangin at sitahin sa checkpoint ng pulisya. Wala na­mang maipakitang kaukulang papeles ang dalawa sa dala-dala nitong karne ng baboy na sinasabing botya. (Dino Balabo)

Show comments