^

Probinsiya

10 MILF todas sa militar

-

MANILA, Philippines - Sampung rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegades ang iniulat na nasawi habang aabot na­man sa 20-iba pa ang nasugatan makaraang muling sumik­lab ang sagupaan ng tropa ng militar at grupo ng mga re­belde sa liblib na bahagi ng Brgy. Bialong, sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao kamakalawa.

Ayon kay Army’s 6th Infantry Division spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce, nasabat ng tropa ng Army’s 64th Infantry Batta­lion (IB) ang mga rebelde habang nagpapatrolya sa nabanggit na barangay bandang alas-12:25 ng tanghali.

Umabot sa 30-minuto ang bakbakan kung saan sampung rebelde ang bu­mulagta habang wala namang naiulat na napaslang o nasugatan sa panig ng militar. Samantala, bunga ng sagu­paan ay napilitan ang mga residente na magsilikas. (Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BIALONG

BRGY

INFANTRY BATTA

INFANTRY DIVISION

JONATHAN PONCE

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with