^

Probinsiya

Anak ng ex-vice mayor tugis sa pamamaril

-

IBAAN, Batangas, Philippines – Tugis ngayon ng pulisya ang anak ng dating vice mayor matapos makabaril ng dalagita nang magpaputok ito ng baril sa kasalan sa Barangay Talaibon sa bayan ng Ibaan, Batangas noong Huwebes ng gabi.  Sa police report na nakarating kay P/Inspector Pablo Aguda, nagtatago na ang suspek na si Brill John Torino, 23, ng Ba­rangay Poblacion sa nabang­git na bayan. Lumilitaw sa imbestigasyon na dumalo sa kasalan si Torino nang magpaputok ito ng baril habang sinasabayan ang pag­diriwang. Subalit lingid sa kaalaman ng suspek, ay tinamaan na pala ng ligaw na bala ang biktimang si Bianca Denise Banawa, 13, na sinasabing nakatayo sa harap ng bahay ng ikinasal. Naisugod sa Mary Mediatrix Hospital sa Lipa City ang biktima na tinamaan ng ligaw na bala sa katawan. Narekober ng pulisya ang 4 na basyo ng bala ng cal.45 pistola at 1 basyo ng 9mm sa lugar. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY TALAIBON

BATANGAS

BIANCA DENISE BANAWA

BRILL JOHN TORINO

HUWEBES

IBAAN

INSPECTOR PABLO AGUDA

LIPA CITY

MARY MEDIATRIX HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with