Trader inambus

SAN JOSE DEL MON­TE, Bulacan, Philippines – Isang negos­yan­teng nagsusuplay ng mga ga­mot ng mga alagang hayop ang nasawi nang pagbabarilin ng apat na lalaking nakamo­torsiklo sa Barangay Muzon sa lunsod na ito kahapon ng tang­hali.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roberto More­los Santos, 45-anyos, may-asa­wa, ng Greenland Subdivision, Barangay Ampid, San Mateo, Rizal.

Nakasa­kay si San­tos sa kan­yang Zusuki Sedan nang hara­ngin siya ng mga suspek bago siya pinaputu­kan nang mara­ming beses. (Boy Cruz)

Show comments