^

Probinsiya

Ex-Mindoro vice governor, brodkaster pa pinatay

-

Occidental Min­do­ro, Philippines – Nagwakas ang buhay ng isang 66-anyos na dating bise gobernador ng lalawi­gang ito nang barilin at sak­sakin ng hindi pa nakikila­lang sus­pek sa loob mismo ng kan­yang bakuran sa bayan ng San Jose kahapon ng uma­ga.

Kinilala ni Senior Superintendent Ceasar Miranda, hepe ng Occidental Mindoro Police ang biktimang si Ex-Vice Governor Crispin Perez na residente ng Barangay 7 at radio commentator din ng local radio station DWDO Heart FM.

Ayon sa report, kausap pa umano ni Perez ang sus­pek sa harap ng kanyang ba­hay nang bigla nalang itong saksakin ng huli ban­dang alas-10:00 ng umaga.

Bago tumakas, pinapu­tukan pa umano ng salarin si Perez gamit ang kalibre .45 baril na naging sanhi ng kamatayan ng biktima.

Sinabi ni Miranda sa isang panayam na meron silang isang eye witness na maaring makapaglarawan sa suspek na nauna nang nag­panggap na humihingi ng legal assistance sa da­ting bise-gobernador.

Inaalam pa ng mga aw­toridad kung ano ang motibo ng pamamaslang sa biktima.

Si Perez ay nagsilbing board member ng Occidental Mindoro noong February 2, 1988 hanggang March 23, 1992 at bilang vice governor naman noong July 1, 1992 hanggang July 1, 1995.

Sa isang radio interview, sinabi naman ni Occidental Mindoro Governor Jose­phine Sato na naniniwala siyang pulitika ang motibo ng pamamaslang kay Perez.

Sinabi ni Sato, isang grupo lang ang madalas na binabanatan sa radyo ni Perez na maaari umanong nasa likod ng pagpatay sa dating bise gobernador.

vuukle comment

EX-VICE GOVERNOR CRISPIN PEREZ

OCCIDENTAL MIN

OCCIDENTAL MINDORO

OCCIDENTAL MINDORO GOVERNOR JOSE

OCCIDENTAL MINDORO POLICE

PEREZ

SAN JOSE

SATO

SENIOR SUPERINTENDENT CEASAR MIRANDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with