2 natusta sa kidlat

MANILA, Philippines – Nasunog ang buong katawan ng dalawang babae matapos na tamaan ng kidlat habang nakasilong sa isang kubo sa bayan Maayon, Capiz, kamakalawa.

Kabilang sa mga nasawing biktima ay sina Julieta Aurelia, 46; at Felina Borres, kapwa residente ng Sitio Baluarte 2 sa Brgy. Salgan, Maayon.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, sinasabing papauwi na ang dalawa kasama ang anak ni Aurelia na si Cherry Ann nang abu­tan ng ulan kaya nakisilong sa bahay  ni Borres.

Dito na kumulog at kasabay nito ay matalim na kidlat na tu­mama sa mga biktima habang nakaligtas naman sa ka­matayan si Cherry na nagtamo lamang ng minor injury. (Ricky Tulipat)


Show comments