Mister niratrat sa huling hapunan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang mister ang nasawi matapos pag­babarilin ng ’di-nakiki­lalang suspek habang nag­haha­punan siya at ang kanyang pamilya sa loob ng kanilang bahay kama­kalawa ng gabi sa Sitio Cabangkalan, Ba­rangay Maypanique, San Pascual, Masbate.

Nakilala ang biktima na si Romeo Hasita, 46, may asawa, magsasaka at re­sidente ng naturang lugar.

Napag-alaman na ma­ging ang misis at mga anak ng biktima ay natulala sa kanilang nasaksihan na pa­mamaslang sa kanilang padre-de-pamilya.

Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang mo­tibo ng suspek upang pas­la­ngin ang bik­tima. (Ed Casulla)

Show comments