Kelot 'napatay' sa kangkong

MANILA, Philippines - Isang 47-anyos na lalaki ang nasawi makaraang ta­maan ng bala sa katawan ha­bang nangunguha ng kangkong sa Laguna de Bay kamakalawa ng hapon sa Binangonan, Rizal.

Nakilala ang nasawi na si Danilo Bernardo, residente ng Sitio Sapa, Brgy. Pag-asa, ng naturang bayan. Ina­resto naman ng pulisya ang pinaghihinalaang may kina­laman sa pagkamatay nito na nakilalang sina Manny Lobardo ng San Juan City, Ariel Arban at Michael Arban, kapwa residente ng Brgy. Maybunga, Pasig City.

Sa ulat ng pulisya, isang putok ang umalingawngaw dakong alas-2:00 kamaka­lawa ng hapon sa Sitio Sapa hanggang sa madiskubre ang duguang bangkay ni Bernardo sa kangkungan sa gilid ng lawa.

Nabatid na nag-iinuman umano ang tatlong lalaki na inimbitahan ng pulisya at posibleng nagpaputok ng baril kung saan tinamaan ng ligaw na bala si Bernardo. (Danilo Garcia)

Show comments