Suspek sa kidnapping dakma

ILOILO CITY, Philippines — Nadakip noong Martes ng mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagdukot sa isang trader sa bayan ng Antique noong Huwebes. Positibong kinilala ng utol ng biktima ang suspek na si Dionisio Pajarito.

Ayon kay P/Chief Supt. Isagani Cuevas, sumasailalim na sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) si Pajarito na sinasabing nanguna sa pag­kidnap kay James Ardana sa Brgy. Odiong sa bayan ng Siba­lom.

Subalit, tumangging magbigay ng comment si NBI regional director Atty. Mario Sison pero nakiusap sa mga ma­mamahayag na intindihin ang kanilang sitwasyon at na­ngakong sa takdang oras ay magbibigay sila ng impor­masyon kaugnay sa suspek. (Ronilo Ladrido Pamonag)

Show comments