2 'manyakis' arestado

BULACAN, Philippines  – Rehas na bakal ang binagsa­kan ng dalawang kalala­kihan makaraang ma­a­resto ng pulisya sa ka­song pang­hahalay sa da­lawang me­nor-de-edad sa mag­ka­hiwalay na bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipi­nalabas ni Judge Virgi­lita Castillo ng Ma­lolos City Regional Trial Court Branch12, dinakip ang mga suspek na sina Ro­gelio Dela Rosa, 27, ng Sitio Matadero, Brgy. Abangan Sur, Marilao; at Roy Ramos, 33, ng Brgy. San Agustin, Ha­gonoy, Bulacan.

Wala naman pi­yansang inire­komenda ang korte para sa pan­samantalang ka­layaan ng mga suspek. (Boy Cruz)

Show comments