Kidnaper dedo; bata nailigtas

MANILA, Philippines - Nailigtas ng Philippine Marines at pulisya, ang isang 7-anyos na lalaki na sinasabing dinukot ng mga ‘di-pa nakilalang kalala­kihan habang napatay naman ang isang kidnaper sa naganap shootout sa Isabela City, Basilan kahapon ng hapon. Sa phone interview, kinilala ni 1st Marine Brigade Commander Brig. Gen. Rustico Guer­rero, ang biktima na si Anderson “Alson” Forticos, anak ng isang kawani ng LandBank sa nabanggit na lalawigan habang bineberipika pa ang pagkikilanlan ng isang napaslang na kidnaper. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, lulan ng motorsiklo ang mga kidnaper nang kidnapin ang biktima sa bisinidad ng Jessica Hills, Isabela City. Sa follow-up operation, hinabol ng mga awtoridad ang mga kidnaper hanggang sa maganap ang shootout at napatay ang isa. Joy Cantos

Show comments