Binata pinatay dahil sa babae

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Karumaldumal na kamatayan ang sinapit ng isang 18-anyos na binata matapos pagbabarilin ng isang barangay tanod kahapon ng madaling-araw sa Barangay Guinawayan, Placer, Masbate.

Nakilala ang biktima na si Remark Villester, estud­yante at residente ng naturang lugar.

Agad na tumakas ang suspek na si Reneboy Sal­mayor, nasa hustong gulang, binata at residente rin ng naturang barangay.

Naglalakad ang biktima pauwi nang bigla siyang tam­bangan at barilin ng suspek na armado ng M-16 armalite. Napagalaman na ang suspek ay may personal na galit sa biktima dahil sa ‘di-umanoy ito ay karibal ng biktima sa panliligaw sa isang dalaga sa kanilang lugar.

Nauna rito, bago naganap ang pamamaslang sa biktima, galing siya sa pagdalaw sa kanyang nililigawan at madaling-araw na ito umuwi sa kanilang lugar. (Ed Casulla)

Show comments