^

Probinsiya

3 nilamon ng tubig-baha

-

KIDAPAWAN CITY – Pinaniniwalaang kinarit na ni kamatayan ang mag-tiyahin makaraang tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha ang tahanan ng dalawa sa Barangay Idaoman sa bayan ng President Roxas, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chairman Mario Calayco ng Barangay Poblacion ang mga biktimang sina Merlyn Calayco, at ang pamangkin nitong si Jinky Calayco. Kasaluku­yang pang hinahanap ng mga tauhan ng 505 Search and Rescue team ang magtiyahin.

Samantala, nilamon naman ng tubig-baha ang traysikel drayber na si Marciano Almadella ng Purok Kabisig sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Magpet.

Napag-alamang papauwi na ang biktima nang maganap ang insidente. Narekober ang bangkay ng biktima sa bisinidad ng Brgy. Alegria.

Ekta-ektaryang palayan din ang sinalanta ng tubig-baha sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato, matapos umapaw ang Kabacan River. Kasunod nito, nawasak din ang flood control dike dahil sa patuloy na ulan sa hangganan ng Barangay Tuael sa President Roxas at Barangay Binay sa Magpet nang magtuluy-tuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan kagabi.  (Malu Cadelina Manar)

vuukle comment

BARANGAY BINAY

BARANGAY IDAOMAN

BARANGAY POBLACION

BARANGAY TUAEL

BRGY

CHAIRMAN MARIO CALAYCO

JINKY CALAYCO

KABACAN RIVER

NORTH COTABATO

PRESIDENT ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with