INC church pinasabugan

KIDAPAWAN CITY – Isa na namang simbahan ng Igle­sia ni Cristo sa North Cota­bato ang pinasabugan ng gra­nada noong naka­raang Sa­bado.

Ang pagsabog ay naga­nap sa bayan ng Carmen, North Cotabato bandang ala-1:30 ng hapon.

Ayon kay Supt. Renato Hiso, officer-in-charge ng North Cotabato Police, wala na­mang naiulat na nasuga­tan sa pag­sabog pero nawasak ang window glass ng simba­han.

Nakuha ng mga operatiba ng Explosives and Ordnance Disposal team mula sa crime scene ang safety lever at ilang fragments ng isang gra­nada.

Posibleng inihagis ng isang naka-motorsiklong lalaki ang granada at suma­bog.

Ito na ang pang-apat na pag-atake sa Iglesia ni Cristo simula Nobyembre ng taong 2008.

Noong Nov 27 at Nov 30, dalawang mga improvised explosive device ang iniwan sa harap ng simbahan ng Iglesia ni Cristo sa Kabacan.

Noong Jan 7, isang gra­nada ang sumabog sa liku­rang bahagi ng simbahan ng Iglesia sa naturang ring bayan.

Nauna nang sinabi ng North Cotabato PNP na ba­hagi ng terror attacks ang mga pagsabog sa simbahan ng INC. (Malu Cadelina Manar)

Show comments