^

Probinsiya

Sadista sa anak, ipinakulong

-

Dahilan sa pambubug­bog sa anak sa kanilang no­che buena, rehas na bakal ang kinasadlakan nitong nagdaang Pasko ng isang malupit na ama ma­tapos itong ipakulong ng kaniyang misis sa Tugue­garao City, Cagayan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nakalabo­song mister na si Warren Uy, residente ng Panacal Village, Barangay Tanza, Tuguegarao City.

Sa reklamo ng kaniyang misis na si Franzel, ipi­nakulong niya ang kanyang mister dahil sa panggugulpi nito sa kanilang menor-de- edad na anak.

Nagsasalu-salo sa ka­nilang handa noong bis­peras ng Pasko ang mag-anak nang biglang mairita ang kaniyang mister nang makalmot umano ito ng alagang pusa ng pamilya.

Dahil dito ay nagwala ang nasabing mister na itinaob ang kanilang mesa at kasunod nito ay pinag­diskitahang bugbugin ang kaniyang anak na isang batang lalaki.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na sa tuwing ma­bibitin sa kaniyang pagkain ang naturang mister ay palagi nitong sinasaktan ang sinumang miyembro ng kanilang pamilya.

Nahaharap ngayon sa kasong child abuse ang nasabing mister na humi­himas na ng rehas na bakal sa Tuguegarao City Police Station. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY TANZA

DAHIL

DAHILAN

JOY CANTOS

PANACAL VILLAGE

PASKO

SHY

TUGUEGARAO CITY

TUGUEGARAO CITY POLICE STATION

WARREN UY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with