Mag-ina kinatay, mister nagbigti

Pinaniniwalaang se­los ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang mag-ina ng kan­yang mister saka nag-suicide matapos ang krimen sa Barangay Pa­jac, Lapu-Lapu City, Cebu kama­kalawa.

Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Mariano Natuel, director ng Lapu-Lapu City PNP, ang nasawing mag-ina na sina  Hazel Jimenez, 21 at ang 5-anyos ni­tong anak na si Desiryl.

Samantala, nag-bigti naman ang lalaki na si Joel Pepito, 32, sa loob ng kanilang tahanan.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nag­hinala ang mister na may kinahuhu­malingan na ibang lalaki ang kani­yang live-in partner na kasa­mahan nito sa trabaho na na­sagap nito sa ilang ku­makalat na tsismis sa kanilang lugar.

Bago naganap ang kri­men ay hindi mimin­sang sinabi ng mister na mamatamisin pa niyang mamatay si Hazel kay­sa pakinabangan at ma­punta ito sa ibang lalaki.

Nabatid na tinangka ng mister na magbaril sa sen­ tido pero hindi pu­mutok ang baril kaya nagbigti na lamang ito. (Joy Cantos )

Show comments