^

Probinsiya

Labor leader tiklo sa extortion

-

LAGUNA – Naaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang isang nagpakilalang labor leader sa isinagawang entrapment operation kaugnay sa pangingikil nito sa isang hauling company kamaka­lawa ng umaga.

Kinilala ni Atty. Olivo Eboy Ramos, hepe ng NBI Laguna District Office (LAGDO), ang suspek na si Lilioso “Leo” Ca­yosa, 51, ng Block 18 Lot 41 Southway Fairway, NMS, Lan­dayan, San Pedro, Laguna.

Inaresto si Cayosa ma­tapos magpakilalang national president ng Samahan Ng Lahat ng Manggaga­wang Independiente (SALAMIN) at sinasabing nanghihingi ng P.120-milyon sa San Antonio Haulers, Inc. kapalit ng hindi nito pagsasampa ng labor case laban sa kompanya.

 “Ang modus operandi ni Cayosa ay magre-represent bilang adviser ng mga ka­wani ng kompanya tapos siya ang mag-iinitiate ng pag-papa-file ng labor case sa National Labor Relations Commision (NLRC) at sikre­tong makikipag-negotiate sa company kapalit ng mala­king halaga para iatras ang kaso,” pahayag ni Ramos.

Noong Agosto 2008, sa kabila ng hindi kabilang na kawani si Cayosa sa San Antonio Haulers, siya ang nag organisa nito ang Sa­mahan ng Lahat ng Mang­ga­ga­wang Indepen­diente sa San Antonio Haulers, Inc. at nairehistro sa Department of Labor and Employment (DOLE), Region IV sa Ca­lamba City.

Napag-alamang nagpa­la­bas ng resolusyon ang labor union ng Salamin-San Antonio na tinatanggal na si Cayosa bilang labor adviser.

Gayon pa man, pilit pa rin nanghihingi si Cayosa ng malaking halaga sa may-ari ng kompanya na si Bernardo Almendrala hanggang sa humingi ito ng tulong sa NBI.

Nadakip si Cayosa ha­bang tumatanggap ng pera kay Almendrala sa isang foodchain sa Laguna. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BERNARDO ALMENDRALA

CAYOSA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

LABOR

LAGUNA DISTRICT OFFICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISION

SAN ANTONIO HAULERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with