5 utas sa 'Davao death squad'

Lima-katao ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan  na pinanini­wa­laang miyembro ng Davao death squad sa Davao City noong Lunes ng gabi, ayon sa ulat kahapon.

Sa police report na isi­numite sa Camp Crame, kabilang sa mga napaslang ay sina Sgt. Rodolfo Ta­mon­dong, Daryl Gonzales, Erwin Candia, Jason Villa­nueva  at  isa pang biktima na inaalam pa ang pagka­kilanlan.

Pasado alas -10 ng gabi nang pagbabarilin ng da­lawang ‘di-pa kilalang lalaki si Tamondong, na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng diversion road ng nasa­bing lungsod.

Isang oras pa lamang ang nakalilipas, niratrat hanggang sa mapatay na­man sa Bankerohan ng Davao City si Daryl Gon­zales.

Bago mag-alas-12 ng hatinggabi ay muling uma­take ang apat na miyembro ng deads squad na sakay ng dalawang motorsiklo at niratrat sina Erwin Candia at Jason Villanueva sa kahabaan ng Pedro Ext. sa lungsod ring nabanggit.

Sa kasalukuyan ay wala pang maiturong mga sus­pek bagaman ang kri­men ay pinaniniwalaang kaga­gawan ng Davao death squad.

Show comments