Misis binoga sa huling hapunan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang gi­nang ang pinagbabaril hang­gang mapatay ng isang ‘di pa nakikilalang salarin habang naghaha­punan siya kaharap ang isa niyang anak sa loob ng ka­nilang bahay sa Barangay Lahong, Baleno, Masbate kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Josephine Tolosa, 33, may asawa, na nagtamo ng tama ng bala ng .45 kalibreng pistola sa ulo.

Matapos ang pamamaril ay lumabas ng bahay at tumakas ang suspek.

Wala sa bahay ang asawa ng biktima nang maganap ang krimen.

Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng suspek upang paslangin ang misis. (Ed Casulla)

Show comments