Tinedyer pinatay sa café bar

LAGAWE, Ifugao  – Ini­latag ng pulisya ang mala­wa­kang pagtugis laban sa killer ng isang 18-anyos na tinedyer na ikinasugat ng malubha ng isa pang ti­nedyer sa loob ng café bar sa bayan ng Lagawe, Ifu­gao noong Linggo.

Ang biktima na binaril sa ulo sa harap mismo ng kanyang ina ay nakilalang si Philipp Madawat, 18, ng Poblacion East habang agaw-buhay naman si Tyron Tangulling sa Vete­rans Hospital sa Nueva Vizcaya mula sa Ifugao Provincial Hospital matapos na barilin sa tiyan.

Nabahag naman ang buntot at nagtago ang sus­pek na si Masi Dula­wan na tumatayong administrative aide sa mu­ni­si­palidad ng Lagawe at naninirahan sa Barangay Monta­biong. Sa ulat ni Ifugao police director Senior Supt. Joseph Adnol, nagkagulo ma­tapos ang mainitang kom­prontasyon sa pagitan ng senglot na suspek at  bik­tima na nagresulta sa pa­mamaslang.

Napag-alamang nag­ma­makaawa at ginawang human shield ng ina ang kanyang sarili sa anak subalit binaril pa rin ng sus­pek sa ulo.  Artemio Dumlao

Show comments