ABC prexy inambus

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang mi­yem­­bro ng Sangguniang panlalawigan ang nasawi nang tambangan ng di-kilalang salarin sa  Sitio Buroc-Burrocan, Barangay Herrera,  Ligao City kaha­pon ng umaga.

Nakilala ang nasawing biktima na si Manolo Ba­silan, 55, may asawa, pre­sidente rin ng Association of Barangay Captain sa naturang lungsod.

Hindi pa mabatid ha­bang isinusulat ito ang kalagayan ng kasamahan ni Basilan na si Jessie Briones, nasa hustong gu­lang at residente ng Ragay, Camarines Sur.

Magkaangkas sa mo­ tor­­siklo ang mga biktima ha­bang binabagtas ang isang kalsada sa naturang bayan nang pagbabarilin sila ng mga suspek. (Ed Casulla)

Show comments