Trader kinatay ng magnanakaw

Albuera, Leyte – Isang 78 anyos na negosyanteng si Rosena A. Mendoza ang tinadtad ng saksak hang­gang mapatay ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng kanyang bahay sa Ba­rangay Balugo 1 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Nanonood ng telebis­yon sina  Mendoza at ang katulong niyang si Divina Panganuron nang biglang pumasok ang mga naka-bonnet na suspek sa ba­hay.

Sinabi ni Panganuron sa pulisya na nawalan siya nang malay nang tapalan ng suspek ng panyo ang kanyang mukha. Nang mag­kaulirat siya pagka­raan ng 30 minuto, nakaga­pos na siya sa isang poste. Nagsisigaw siya hanggang marinig siya ng mga kapit­bahay na tumawag ng pulis. Natagpuan kinalaunan ang bangkay ng negos­yante na nagtamo ng 10 tama ng saksak sa kata­wan.

Nawawala rin ang isang bag ng biktima na naglala­man ng P10,000 kinita niya sa pagbebenta ng mga baboy. (Roberto Dejon)

Show comments