^

Probinsiya

Cotabato ‘binabaha’ ng water lily

-

Nababahala na ang National Disaster Coordinating Council sa patuloy na pagbaha sa 75 porsyen­tong lupain ng Cotabato City na idinulot pa noon ng bagyong Frank dahil sa pagdami ng ekta-ektaryang “water lily”.

Sa pinakahuling ulat ng NDCC, nagsisilbi pa nga­yong dam ang napakaka­pal na mga water lily na nag­pabago sa pagdaloy ng tu­big-baha sa ilog ng Rio Grande de Mindanao pa­tungo sa mas mababang lugar sa lungsod.

Umaabot na umano sa pitong ektarya ang lawak at tatlong metro ang kapal ng mga water lily.

Umaabot na rin sa 14,014 pamilya ang patu­loy na naapektuhan ng  pag­baha habang 3,058 pamilya ang patuloy pa ring nanu­nulu­yan sa mga 13 evacuation areas.

Sa Iloilo, kakailanganin pa ng apat hanggang anim na buwan upang maayos na tumakbo ang mga “water system” dahil sa nahi­hirapan pa rin ang mga awtoridad na kumpunihin ang mga ­linya ng tubig, habang sa Aklan na­man ay maayos nang gu­magana ang Metro Kalibo Water District pumping station ngunit patuloy pa ring ipinapaalala sa mga resi­dente na paku­luan ang kanilang iinuming tubig. (Danilo Garcia)

vuukle comment

COTABATO CITY

DANILO GARCIA

METRO KALIBO WATER DISTRICT

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

RIO GRANDE

SA ILOILO

SHY

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with