Shabu tiangge ni-raid

Sinalakay ng mga awtoridad ang binansagang “Little Colombia” na ginawang shabu tiangge sa isinagawang ope­rasyon sa Barangay Datu Ismael sa bayan ng Das­mariñas, Ca­vite, kahapon ng umaga. Gayon pa man, nakatakas at ngayon ay tugis ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Mastorah Amentao, Hadj Jonairah Intan-Adam, Sittie Hadji, Nashripa Ismael, Mucsis Amentao, Pembago Manap at ang Barangay Councilwoman na si Linda Amer na pina­nini­walaang operator ng shabu tiangge. Sa ulat ni  P/Supt. Steve Ludan, hepe ng Special Operations Group ng Cavite PNP, posibleng natu­nugan ng mga suspek ang kanilang ope­rasyon bago pa sila  maka­pasok sa nabanggit na barangay. Na­kum­piska sa raid ang isang baby armalite rifle, automatic shot­gun, cal. 45 pistol , 200 piraso ng mga bala at siyam na plas­tic sachets ng shabu. Joy Cantos at Cristina Timbang

Show comments