^

Probinsiya

Lolo kinatay ng apo

-

Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 80-anyos na lolo makaraang gulpihin ay pinagtataga pa ng sariling senglot na apo na nairita sa sermon ng matanda sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Abilan sa bayan ng Buenavista sa Agusan del Norte kamakalawa. Kinilala ng pulista ang biktimang si Isidro Soria, samantalang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Eleuterio Lumoya matapos mahimas­masan sa kalasingan. Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, umuwi na senglot si Lumoya at nang sitahin ng matanda ay nagalit ito hanggang sa maganap ang krimen. Joy Cantos

Flashfloods: 531 pamilya apektado

BACOLOD CITY – Umaabot sa 2,655-katao sa kabuuang 531 pamilya ang lumikas mula sa anim na barangay sa bayan ng Ilog sa southern Negros dahil sa patuloy na buhos ng ulan dulot ng bagyong “Butchoy”. Sa ulat ng Provincial Social Welfare and Development Office, kabilang sa mga barangay na apektado ng tubig-baha ay ang Barangay 1, Calubang, Vista Alegre, Dancalan, Andulawan at Barangay Delicioso. Ayon kay PSWD officer Liane Garcia, patuloy naman minomonitor ang mga bayan ng Binalbagan, Pontevedra, Sipalay and Hinigaran na unti-unting lumulubog sa tubig-baha. Posible namang magka-landslides sa mga bayan ng Toboso, Escalante, Calatrava at Don Salvador Benedicto sa northern Negros at Sipalay, Hinobaan, Cauayan, Ilog at Kabankalan sa southern Negros. Antonieta Lopez

vuukle comment

ANTONIETA LOPEZ

BARANGAY ABILAN

BARANGAY DELICIOSO

DON SALVADOR BENEDICTO

ELEUTERIO LUMOYA

ILOG

ISIDRO SORIA

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with