^

Probinsiya

Mother’s Day massacre: Mag-ina dinedo

-

Hindi nasilayan ng mag-ina  ang pagdiriwang ng Mother’s Day makaraang pagsasaksakin hanggang sa mapatay  ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan  sa loob ng kanilang computer shop sa Naga  City, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mag-inang sina Analyn Santos-Hernandez, 37; at anak nitong si Lemuel, 7. 

Naisugod naman sa os­pi­tal ang isa pang anak ni Analyn na si Elijah Kevin, 11, na ngayon ay nasa kri­tikal na kondisyon.

Ayon sa ulat, inimbi­ta­han naman si Lindon Lao See, 17, ng Blumentritt St., Tina­go, Naga City matapos ma­mataan ng ilang resi­dente na uma­aligid sa crime scene.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame,  dakong alas-10:50 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa loob ng computer shop ng mag-iina sa Prieto St., Sitio Arana, Barangay Sta. Cruz ng na­banggit na lungsod.

Hinihinala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo ng mga suspek kung saan pi­nagsasaksak ang mag-iina sa loob ng shop.

Sa pagtatanong kay See, lumilitaw na may dala­wang di-pa kilalang kalalaki­han  ang nakita nitong pu­ma­sok sa establisiyimento  subalit nagduda ang mga imbestigador makaraang ma­­kitaan ito ng sugat ng pa­talim at may saksak ito sa kamay na posibleng  indi­kas­yon na nanlaban ang mga biktima at kabilang ito sa mga killer.

Patuloy pa ang imbesti­gasyon kung saan naka­detine pa rin si See habang hindi naliliwanagan ang ka­ugnayan nito sa krimen. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANALYN SANTOS-HERNANDEZ

BARANGAY STA

BLUMENTRITT ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with