12 anyos binuntis ng helper

CABIAO, Nueva Ecija – Sa kulungan bumagsak ang isang 32-anyos na poultry helper kamakalawa maka­raang ares­tuhin ito ng pu­lisya dahil sa da­lawang be­ses na pang­gaga­hasa uma­no sa isang 12-taong gulang na batang babae sa Ba­rangay San Roque, rito, may ilang buwan na ang naka­lilipas.

Kinilala ng Cabiao PNP ang suspek na si Jojo Ma­alom y Lik­sanan, helper ng Cabigting Farm sa na­banggit na ba­rangay at residente rin ng nasabing lugar.

Itinago naman ng pu­lisya sa pangalang Lyka ang biktima ng nasabi ring lugar.

Ayon kay PO1 Pamela Suba ng Children and Women’s Section ng Cabiao PNP, napan­sin ng mga magu­lang ng bik­tima na malaki ang tiyan ng ka­nilang anak at nang kanila itong ipa­suri, lumabas na positibong nag­dadalang-tao ito.

Sa masinsinang pag-uusap, umamin ang biktima sa kan­yang mga magulang na pinag­samantalahan siya ng suspek nang dalawang beses noong Oktubre 29 ng nagdaang taon at tinakot umano siya na papa­tayin nito kung magsusumbong siya sa awtoridad.  (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments