^

Probinsiya

Magka-live-in trader nilikida

-

 

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Natagpuang patay ang magka-live-in partner makaraang pasukin ang kanilang bahay ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr., Laguna police director, ang mga biktimang sina Ray­mond Yap, 49; at live-in partner na si Adelaida San Luis, 49, nagmamay-ari ng pawnshop at farm land.

Ayon sa ulat, naka­ tang­gap ng tawag ang police station kaugnay sa pag­kakatagpo ng bang­kay ng magka-live-in sa loob ng kanilang tahanan sa San Luis Farm sa Sitio Ilang-ilang, Barangay San Jose bandang alas-9 ng gabi.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan si San Luis samantalang may dalawang tama naman ng bala sa katawan si Yap.

“Tinitingnan pa namin ang lahat ng anggulo dahil may record na si San Luis na naging biktima ng kidnap-for-ransom may ilang taon na rin ang naka­ka­lipas,” pahayag ni Ro­jas. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ADELAIDA SAN LUIS

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN JOSE

FELIPE ROJAS

SAN LUIS

SAN LUIS FARM

SENIOR SUPT

SHY

SITIO ILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with