22 tiklo sa treasure hunting

LUCENA CITY – Sumasailalim na sa masusing imbes­tigasyon ang dalawampu’t dalawang sibilyan na naaktuhan ng pulisya kaugnay sa isinasagawang treasure hunting sa Mt. Banahaw at Mt. Cristobal na itinakdang protected areas noong Sabado.

Kabilang sa  mga suspek na nakatak­dang kasuhan ay sina Floro Pastorete, Bryan Resari, Ar­nal­do Corres, Nomer Sabilo, Christian Lumabe, Rommel Se­dillo, Manuel Tadeo, Felimon Eji, Dante Atienza, Eleuterio Perez, Yanmar Basco, Maximo Manzano, Gener Antioquia, Ariel Mendez, Ariel Villegas, Fred Barcelona, Jessmar Refrea, Jowen Misa, Michael Balderama, Joselito Capino, Lito Pasagu, na pawang mga residente ng Sta. Rosa, Ca­buyao, Binan, Calamba City, Liliw, San Pedro, San Pablo City sa lalawigan ng Laguna.

Bukod sa mga kagamitan sa pag­hu­hukay, nakumpiska rin sa mga suspek ang isang armalite rifle at shot gun, anim na baril, mga bala, mga pata­lim, itak, dalawang bag ng ammonium nitrate, isang container ng glacial acitic acid at detonating cord. (Tony Sandoval)

Show comments