Totoy dedo sa gulpi ng mag-asawa

CAMP VICENTE LIM, Laguna —  Nagta­pos ang kinabukasan ng limang taong gulang na batang lalaki mata­pos mamatay dahil sa gulpi ng kanyang sari­ling mga magulang sa Sitio Bukid, Barangay Riverside sa bayan ng San Pedro, Laguna noong Martes ng umaga.

Namatay habang gi­nagamot si John Darrel Saluderes sa Narra Hospital sanhi ng pag­kaba­sag ng bungo, dislocated ang kanang balikat, putok ang labi, saksak sa ka­nang paa at mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng kani­yang katawan.

Ayon kay P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr. Laguna police director, nadis­kubre ang pagma­maltrato sa bata nang itakbo ng kanyang mga magulang sa nasabing ospital na halos naghihi­ngalo na ban­dang alas-11 ng umaga.

Kaagad namang ina­­resto ng mga pulis ang ina ng bata na si Joan sa­mantalang pi­nag­ha­hanap na nga­yon ang ama ng bata na si Jon na tumakas ma­ta­pos ang insidente.

Sasampahan ng ka­song parricide ang mag-asawa matapos tuma­yong testigo ang kani­lang mga kapitbahay para patunayan ang gi­na­gawa nilang pagma­mal­trato sa pobreng bata. Dagdag ulat ni Joy  Cantos

Show comments