28 katutubo nadale ng malaria
LUCENA CITY — Umaabot na sa 28- katutubong Dumagat sa Barangay Umiray, General Nakar, Quezon ang nadale ng malaria at malamang na lumubo pa ang bilang ng mga biktima kung hindi kaagad aaksyon ang lokal na pamahalaan.
Dahil dito ay naalarma ang tanggapan ni Vice Governor Kelly Portes at inatasan ang municipal health office na magsagawa ng agarang medikasyon. Nang makarating kay Governor Raffy Nantes, ang ulat ay inatasan nito ang provincial health office sa pangunguna
Hindi pa naman idinedeklara ng provincial health office na outbreak ang nasabing sakit hanggat hindi pa nakakakuha ng sapat na impormasyon.
Kumalat ang ulat matapos na iparating sa Sangguniang Panlalawigan ni Elizabeth Ramos, tribal chieftain. Ang malaria ay sakit na nagmula sa parasite na dala ng Anophetes mosquito na karaniwang namamalagi sa subtropical at tropical regions. (Tony Sandoval)
- Latest
- Trending