^

Probinsiya

Mag-asawa, anak gutay sa granada

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Masaklap na ka­matayan ang sinapit ng mag-asawa at anak nilang lalaki makaraang masabu­gan ng granada sa loob ng ka­nilang tahanan sa Sitio Culanga, Barangay Pob­lacion sa bayan ng Taytay, Palawan nong Martes ng madaling-araw.

Kabilang sa mga bikti­mang namatay ay sina Julito Barbon, 32, mangi­ngisda; asawa nitong si Emily, 28; at kanilang anak na si John Paul, 3, pawang residente ng nabanggit na barangay.

Gutay ang katawan nina Emily at John Paul matapos masabugan ng granada, samantalang namatay na­man si Julito habang gina­gamot sa Taytay  District Hospital.

Sa inisyal na ulat ng 413rd Police Mobile group na isinumite kay P/Senior Supt. Dennis Peña, Pala­wan police director, suma­bog ang granada matapos laruin ni John Paul at aksi­den­teng natanggal ang safety pin ng granada ma­tapos na paglaruan ni John Paul sa loob ng kanilang bahay bandang alas-2 ng madaling-araw.

Sa panayam naman ng PSN kay P/Supt. Peña, may posibilidad na si Julito ay hindi sinaway ang kanyang anak sa paglalaro ng gra­nada dahil namataan ng ilang kapitbahay na lango sa alak bago naganap ang trahedya.

“Una nga naming naku­hang impormasyon ay dina­mita ang sumabog dahil ma­ngingisda si Julito, pero may nakuha kaming safety lever ng granada,” dagdag pa ni Peña.

Patuloy ang imbestigas­yon ng Palawan police para matukoy ang tunay na dahi­lan ng pagsabog.

vuukle comment

BARANGAY POB

CITY

DENNIS PE

JOHN PAUL

JULITO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with