5 biktima ng ‘salvage’ natagpuan

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Limang kala­lakihan na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang na­tag­puan sa tat­long mag­kahi­walay na lugar sa Batangas noong Lunes ng umaga.

Ayon kay P/Senior Supt. Prudencio Banas, Batangas police director, tatlong kala­lakihang tinadtad ng bala ng baril na may edad na 20 hang­gang 25-anyos ang nadis­kubre sa municipal road na sakop ng Barangay Aya Trangka sa Talisay bandang alas-5 ng umaga.

Samantala, dalawang bangkay ng lalaking may tama ng mga bala ng baril sa katawan ang natagpuan na­man sa Barangay Balele at Barangay Talaga sa Ta­nauan City bandang alas-6 ng umaga.

Kasalukuyan pa­ring ini­im­bestigahan ng mga aw­toridad ang pagkiki­lanlan ng mga biktima at ang mo­tibo ng pa­mamas­lang. (Arnell Ozaeta)

Show comments