Daddy music from The Bloomfields

CAMP VICENTE LIM, Laguna  — Tatlo-katao ka­bilang na ang bank ma­nager ng Phil. Business Bank, ang iniulat na na­sugatan makara­ang holda­pin ng limang arma­dong kalalakihan ang mga bik­tima sa harap mismo ng ka­nilang banko sa Ca­lamba City, Laguna noong Lunes ng hapon.

Kabilang sa mga bik­timang sugatan ay sina Corazon Larios, manager ng nabanggit na banko; Erick Malinis, men­sahero;  at ang security guard na si Pepito Lusares.

Sa pahayag ni P/Supt. Rolando Bustos, Calamba police chief, papaalis na sina Larios at Malinis sa parking lot ng banko sakay ng Honda City (XFK-474) sa kahabaan ng highway na sakop ng Ba­rangay Parian nang harangin at pagbabarilin ng limang armadong kalalakihang sakay ng dalawang motor­siklo.

Tinamaan si Larios sa ka­nang tuhod, samantala, sapol naman sa kanang bahagi ng katawan si Ma­linis na kapwa nasa Ca­lamba Medical  Center.

Matapos pagbabarilin ang dalawa, inagaw ng mga holda­per ang isang kulay berdeng duffle bag na naglalaman ng ’di-pa ma­lamang halaga na na­ka­­tak­dang ideposito sana sa Metrobank Crossing branch.

Nagawa namang maki­pagbarilan ang dalawang security guard na sina Pepito Lusares at Catabay bago na­ka­takas ang mga holdaper kung saang na­sapol si Lusares.

Nakaganti naman si Catabay kung saan dalawa sa mga holdaper ang suga­tan bago ito nagsitakas sa direk­syon ng Cabuyao sakay ng motorsiklo. (Arnell Ozaeta)

Show comments