^

Probinsiya

Mag-asawa tinorture, ginilitan

- Joy Cantos -
CAMP CRAME — Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang magsasaka makaraang pahirapan at gilitan sa leeg ay dinurog pa ang kanilang ulo ng mga ’di-kilalang kalalakihan sa Purok Paglaum, Barangay Antipuluhan, Bago City, Negros Occidental kamakalawa.

Pinaniniwalaang dalawa hanggang tatlong kalala kihan ang pumaslang sa mag-asawang sina Antonio at Daisy Jalandoni na kapwa residente sa liblib na lugar sa Purok Paglaum.

Ayon sa pulisya, ang krimen ay nadiskubre kamakalawa pasado alas-4 ng hapon matapos na bisitahin ang mag-asawa ng kanilang anak na babae at asawa nito.

Lumilitaw sa ulat ng pulisya, na ang bangkay ni Antonio ay natagpuan sa labas ng kanilang kubo habang ang asawa nito ay duguan naman sa kama na ayon sa teorya ng pulisya ay posibleng naganap ang krimen kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Alex Belonio, hepe ng pulisya sa Bago City, base na rin sa pahayag ng ilang testigo dakong alas-3 ng madaling-araw nang tawagin si Antonio ng mga ’di-kilalang lalaki para pag-usapan ang kanilang problema.

Paglabas ng lalaki sa bahay ay agad na pinalo ng kahoy sa ulo at ginilitan kung saan ay pinasok naman ang tahanan ng mag-asawa para isunod ang babae na nagkulong sa kuwarto.

Nagawang wasakin ng mga salarin ang pintuan ng kuwarto ng mag-asawa at nakorner ang walang kalaban-labang si Daisy na isinunod namang paslangin.

vuukle comment

ALEX BELONIO

BAGO CITY

BARANGAY ANTIPULUHAN

DAISY JALANDONI

NEGROS OCCIDENTAL

PUROK PAGLAUM

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with