4 lider militante inambus, kritikal
December 16, 2006 | 12:00am
DAVAO CITY Apat na lider militante ang malubhang nasugatan matapos na tambangan ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng bayan ng Compostela sa Compostella Valley kahapon ng umaga.
Ang mga biktimang ginagamot ngayon sa Davao Regional Hospital sa Tagum City, Davao del Norte ay nakilalang sina Vicente Barrios, pangulo ng Nagkahiusang Mamumoo sa Suyapa Farms; Jerson Lastimoso, Aldin Cortez at Donie Glen Sondon.
Batay sa ulat, naganap ang insidente, dakong alas- 6:30 ng umaga sa crossing ng Alegria ng nasabing munisipalidad kung saan pinagbabaril ang mga biktima ng mga armadong kalalakihang sakay ng itim na motorsiklo.
Itinanggi naman ni Brig. Gen Carlos Holganza, kumander ng 1001st Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Mawab, na may kinalaman ang kanyang mga tauhan sa naganap na insidente matapos na tanungin ng ilang mamamahayag kung may kinalaman sa pananambang.
Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang mga tauhan ni Holganza para maresolba kaagad ang krimen. (Edith Regalado at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest